Saturday, April 4, 2009



Medyo matagal na ito pero naisip ko lang na ikwento. Noong isang linggo ay naganap ang EARTH HOUR. Nakisama at nakibaka naman kami sa mungkahi ng Earth Hour.

Maaga kaming nagsara ng ilaw at mga kagamitan. 8:30 pa ng gabi nakatakdang magpatay ng ilaw at magsimula ang Earth Hour. Nagpasya na lang kami na magpunta sa mall dahil gusto din namin makita kung makikisama sila.

Eto ang mga larawan namin sa SM San Lazaro sa Maynila.


BAGO ang Earth Hour


Sa Oras ng Earth Hour
Kapansin pansin na din ang pagbabago sa mga ilaw ng mga tindahan sa loob ng mall. Maging ang mga ilaw sa main walk way ng mall ay binawasan din. Medyo dumilim ang paligid ngunit tuloy pa rin ang mga namimili sa pag gala sa mall at pagtingin tingin ng mga pwede nilang mabibili. Naging maingat din ang security ng mall, may mga flashlights pa nga sila kahit na hindi naman ganon kadilim sa loob.

Bago magsara ang mall ay umuwi na din kami. Paglabas namin, pinagmasdan ko ang mga bahay na nadadaanan. Ang karamihan ay nakisama din, isang bagay na aking ikinatuwa. Hindi ko inakala na madaming Pilipino din ang makikisama at susuporta sa ganitong cause.

Sana sa isang taon, mas madaming makisama at sumuporta sa earth hour.


No comments:

Post a Comment