Wednesday, April 29, 2009

Kay tagal... My Redemption

Kaytagal na ng aking huling blog. Medyo naging abala lamang sa mga gigs na aming ginagawa at inaasikaso. Nagkaron ako ng panahon na mag edit at magmix ng isa sa aming mga awitin. Eto ang aking tinutukoy: MY REDEMPTION. Gawa pa din sya ni Bogs. Music ni Momar, Lee at ang inyong lingkod. Medyo iba ang pagkaka areglo sa kantang ito dahil hindi ito tulad ng mga ibang kanta namin. May ibang karakter ito sa mga una naming kanta. Bukod sa pagiging ballad at mala-orchestra, 6/8 ang sukat ng bawat bara ng kanta. Di tulad ng dating 4/4 na standard namin. Masasabi ko na nahahasa na kami. Sumusubok na naman kami ng mga bagong pamamaraan at teknik.

Ang istraktura ng kantang ito ay simple lamang, isang acoustic guitar na kadalasan naman na maririnig sa kahit anong awitin namin. Isang baho o bass guitar ang ginamit ni Momar. Ang nadagdag lang ay ang pag gamit ko ng strings at violin. Idea ito ni Angela Yap. Mas bagay nga naman na mala-orchestra ang dating hindi ba?

Ito ang aming bagong kanta, kasabay ng isang bagong taon ng CAPO. Kasabay ng pagtapos ko nito ay ang aming ikalawang taon bilang banda. Kaming lima sa grupo, bilang isang banda.
Matagal tagal na din iyon, maraming nangyari at maraming nagbago. May maganda at meron din naman na hindi kagandahan. Nakilala namin ng husto ang bawat isa.

Isang taon na naman ang lumipas ngunit wala pa rin ang mailap na album. Nararamdaman kong malapit na din yon. Nararamdaman ko na na malapit na din ang inaasam asam na album. Ngayon mga dadating na buwan, lalo naming pagbubutihan ang aming mga ginagawa at sana naman ay makamit na namin ang aming hinihintay. Eto na to. Walang atrasan. Lahat ng gusot ay dapat ayusin. Malapit na, konting hintay na lang.





Dami ko pa sinabi eh. Heto na ang kanta:

No comments:

Post a Comment