Noong nakaraang linggo ay nagkaroon kami ng mall show. Ito ay naganap sa SM Mall of Asia, sa Cyberzone ng One E-Com Center. May anim na banda sa araw na iyon at isa na kami sa naitampok.
Hatid ito ng Radio Pilipinas, Songwriters Philippines, Indie Pinoy, PXMX at ng SM Cyberzone. Nais ko lamang mag-share nga mga larawan at video ng naturang gig.
Nagpapasalamat kami sa mga kaibigan na sumuporta at nagpunta upang manood ng gig kahit na traffic at medyo malayo sa kanila ang SM Mall of Asia. Mabuhay kayo!
Wednesday, March 25, 2009
Headstock Musika
Ang Headstock Musika ay isang institusyon na nagtataguyod ng mga bandang Pilipino na pinapangunahan ko at ng aking girlfriend na si Angela Yap.
Mayroon kaming mga gigs bawat buwan na pinagtatampokan ng mga unsigned na banda sa Pilipinas. Tumutulong kami na magpalaganap ng musika lalong lalo na sa ating mga kababayan. Ang mga bandang tumutugtog sa aming mga gigs ay kadalasang nagtatapok ng mga orihinal nilang mga kanta.
Sa panahon ngayon, kung ikaw ay may banda at kayo ay nagfofocus sa original songs, mahirap humanap ng mga lugar kung saan kayo ay pwedeng tumugtog ng regular. Halos lahat ng mga bars ngayon ay mga regular na "show bands" ang tumutugtog. Kadalasan silang makikita sa mga lugar kung saan may "night life" tulad ng Eastwood City, Malate, Jupiter Makati at mga ganong lugar. Bibihira lang ang mga bars at lugar na nagtatampok ng mga bandang hindi pa nakikilala at nagpopokus sa mga orihinal na gawa.
Mahirap para sa mga ganitong banda na makakuha ng atensyon at pagkilala mula sa mga tao dahil sila ay nasa "underground scene" pa. Ang kadalasang tinatangkilik ng mga fanatics ay ang mga banda sa mainstream market. Halos lahat din naman nga mga bandang iyon ay nagmula din sa underground. Mahirap lang makakuha ng "break" para sa mga underground bands. Ang mga kababayan kasi natin ay hindi pa ganoon ka-bukas sa opinyon ng mga bagong musika na lumalaganap sa mga underground bands. Mahilig pa rin ang crowd sa mainstream acts na kadalasang kinatatampukan ng halos pare parehong tunog. Nandyan din ang novelty artists na napakadaling magka album at magrelease ng sariling gawa. Isa pang balakid ay ang mga artista na mayroong compilation album o dance album na hindi naman nila mismo ang nagsulat. Walang halong disrespect ngunit sa aking pananaw, ito ang pumapatay sa OPM. Halos lahat na yata ng artista sa "primetime" ng malalaking istasyon ay may album na. Kadalasan nga, novelty style at compilation album. Madali kasing kumita at bumenta sa mga tao ang ganitong klaseng release.
Sa kabilang banda, ang mga banda na gumagawa ng orihinal na musika ay nasa isang tabi at patuloy na nahihirapan sa paghahanap ng paraan upang magkaroon kahit kaunting break. Kahit na mismo sa paghahanap ng gig ay nahihirapan din sila. Ang mga recording labels at producer ay natatakot maglabas ng pera para sa mga bandang ito. Kahit alam nila na ito ang tama, hindi pa rin nila ginagawa. Malaking sugal sa kanila ang pagtustos sa mga bagong banda. Malaki din ang kanilang haharaping kompetisyon dahil nga sa mga naglipanang albums ng mga novelty stars. Isa pang kompetisyon ang mga banyagan banda at performers. Pinipilit nating mga Pinoy na makibagay sa makabagong musika. Nandyan na ang mga nauusong western music, mga rap at R&B. Bihira lang naman sa ating mga Pinoy ang Rap artists, nabawasan pa sa pagkawala ni Francis Magalona. Mas tinatangkilik pa ng iba sa atin ang mga foreign acts kaysa sa sariling atin.
Ilan lang yan sa mga hinagpis at daing ng mga artists at banda sa makabagong panahon natin ngayon. Ang hirap na pagdadaanan nila upang marinig lang sa radyo ang kanilang mga likha. Napakadaming paghihirap, pagtitis at gastos na dadaaanan kung gusto mo talaga.
Sa aking palagay, ang Headstock Musika ay isang daan, kahit maliit lang, upang tumulong sa mga kapwa musikero na magkaroon ng maliit na oportunity na makatugtog at maiparinig sa mga tao ang kanilang mga likhang awit.
Nakikipag partner kami sa mga institusyon na mayroong katulad na hangarin - both local at international na institusyon. Magiging mas madali pa nga siguro kung sa international scene makikilala ang bawat banda. Siguro sa ganoong paraan, kikilalanin din sila ng mga Pinoy na noong una ay hindi sila pinapansin. Isang magandang halimbawa na siguro dito si Arnel Pineda. Napakatagal na pala niyang may album, kung hindi pa sya kinuha ng bandang Journey ay hindi pa natin kikilalanin. Sadyang ganito yata talaga.
Gagawin namin lahat upang maiangat ang tingin sa mga banda at artistang Pilipino lalong lalo na sa larangan ng musika. Hindi kami titigil sa pagtulong at paghubog sa mga bandang naghihirap sa kanilang sariling bansa. Malayo man ang pangarap, naniniwala kami na may paraan para maabot natin ito. Naghahangad pa rin kami na maibalik ang dating yaman ng industriya ng musika at mabawasan ang kolonyal na pag iisip ng mga kapwa Pilipino. Naghahangad pa rin kami sa pagbalik ng sigla at pagtangkilik nga mga kapwa Pilipino sa ating sariling gawa at musika.
Para sa Headstock Musika, isa itong malaking goal. Alam namin na mahirap ang pagdadaanan. Hindi kami titigil, para sa pangalan ng musika. Ang musikang masasabi natin na sa atin.
PS
Kung nagtataka kayo kung bakit kami ganito, nais ko lang ipaalam na madami din kaming kakilala na nagdadaan sa hirap ng pagiging underground band. Kasama na din ang aming banda dito. Hindi lang ang aming pag asenso ang concern dito. May mga offers na din naman kami para maging isang mainsteam artist. Pero sa hirap ng pinagdaanan namin, gusto ko na mas mapadali para sa iba.
Tuesday, March 17, 2009
CAPO sa Watering Hole Edsa Shangri-La
Isa ito sa aming mga gigs sa mga nagdaang araw. March 14,2009 kami tumugtog dito. Pasubali sa pagkaka delay ng aking post.
Ang event ay tinawag na "After Shift Jam" dahil ang mga pangunahing manonood ay mga empleyado ng mga call centers sa lugar na iyon. Dahil sa gabi ang kanilang mga pasok, sa umaga sila lumalabas para magpunta sa mga bars at magsaya. Isa itong gig sa umaga. Marahil ay hindi ito typical na night out para sa inyo ngunit sa kanila, eto ang kanilang gabi. Ang araw natin ay pahinga sa kanila, ang gabi naman sa atin ay kanilang panahon upang maghanap buhay. Ganyan ang buhay nga mga empleyado na nagtatrabaho sa call centers na foreign accounts ang serbisyo.
Ang gig na ito ay isang benefit gig para sa mga bata ng World Vision. Ang mga kikitain sa oras ng gig ay mapupunta sa foundation na iyon upang mapag aral ang mga kapos palad na bata na nagnanais na magkaroon ng maayos na edukasyon.
Kasama naming tumugtog si Ram Chaves ng Pinoy Idol. Siya rin ang nag imbita sa amin upang tumugtog sa event na ito. Ang mga kikitain ay mapupunta rin sa GMA foundation upang makatulong din sa iba pa nating mga kababayan na nangangailangan. Si Ram mismo ang nag ayos ng gig na ito para sa nasabi kong kadahilanan. Ang kanilang banda ay tinatawag na "Ram Chaves Band". Ang kanilang album ay lumabas na at ito ay pinagalanan nilang "Sutil". Ang kanilang carrier single ay ang kantang "Kol Center" na ngayon ay highly circulated na sa mga radyo.
Maayos naman ang kinalabasan ng gig. Pagkatapos ay umuwi na si Bogs upang magpahinga, ang mga natirang mga ka banda ay nagpunta sa mall upang kumain. Matapos iyon ay naghiwahiwalay na din upang umuwi.
At sa aking pagtapos ng blog na ito, iiwanan ko sa inyo ang mga videos ng CAPO sa After shift Jam:
CAPO sa Southville Las Pinas

Tumugtog ang aking banda sa Southville Las Pinas kahapon, Marso 16 taong 2009. Isa itong graduation ball para sa mga estudyante ng HRM doon. Maayos naman ang set ngunit medyo mahina ang tunog dahil maliit lamang ang lugar na aming tinugtugan. May mga banyagang estudyante sa institusyon na ito kaya't mga ingles na kanta ang aming tinugtog. Kasama na dito ang mga covers o tinatawag din na revivals ng karamihan. Tumugtog din kami ng mga orihinal na kanta ng aming banda para sa kanila. Naging maayos naman ang presentasyon ng mga estudyante at tila naging masaya naman ang lahat.
Ang pagkain at set up ay makabago at nakabalangkas sa isang fine dining restaurant. Ang mga estudyante mismo ang nag ayos, nagluto, namalakad at gumastos para sa gabing iyon. Mayroon kaming kaunting larawan at videos na nakuha. Heto ang ilan sa mga tinutukoy ko:
Heto ang kanilang apple crepe. Ang matamis na pagkain ay hango sa mansanas, cinnamon na nilagyang ng tsokolateng syrup, ice cream, whipped cream at cherry.
CAPO habang tumutugog.
Ang aming hapag.Ang aming bersyon ng "Chasing Pavements" ni Adelle.
Ang aming bersyon ng "The Way You Look Tonight"
Isa sa mga orihinal na kanta ng aming grupo. Emily ang pamagat.
Naging maayos ang lahat, nakauwi naman kami ng maayos at nagpahinga. Maari nyong makita ang kabuuan ng mga larawa sa aming multiply account. http://capoband.multiply.com
Monday, March 9, 2009
Salamat Francis Magalona

Kamakailan lamang ay pumanaw na ang ating "Master Rapper" na si Francis Magalona. Naiwan nya ang kanyang asawa at walong mga anak. Naiwan din nya ang madaming mga kaibigan at tagahanga. Nakakalungkot isipin na wala na sya. Lahat ng gabi ay iba na dahil mas malamig ang COLD SUMMER NIGHTS sa mga naiwan nya. Hindi makakatulog pa tila MGA PRANING. Lahat ay nalungkot dahil isa sya sa mga prominenteng HipHop icon ng Bansa. MGA KABABAYAN, lahat ng ito ay lumipas sa pagpanaw ni Kiko. Hindi na nakakapagtaka na halos lahat ay nakakakilala sa kanya dahil sa tagal na nya sa industriya ng musikang Pilipino. Nakilala din sya sa mga Patriotic songs at sa mga kolaborasyon niya sa mga ibang arists. Hindi lang sa pag awit kundi sa pagiging isang director at photographer. Dito lalong dumami ang kanyang FRIENDS kaya't mas maraming nalungkot sa kanyang pagkawala - patungo sa kanyang bagong KALEIDOSCOPE WORLD. Ipagdasal natin siya para naman makapagpakita tayo suporta at WHOLE LOTTA LOVIN!
Note:
Ang mga salitang may malalaking letra ay mga titulo ng ilan sa mga kanta ni Francis Magalona na aking kinalakihan. Sayang! Nasa proseso pa naman sila ng kaibigang si Ely Buendia (Eraserheads/Pupil) ng pagsasa plaka ng isang Collaboration album na tinatawag na "The Sickos Project".
God bless you, Francis M.!
Kamalasan sa kalsada
Kagabi... Nag ensayo kami ng banda para sa amin gig sa Martes at Sabado. Mga orihinal na kanta ang aming pinagbuti. Masaya naman at naging maayos ang lahat. Sa madaling salita, nakaraos naman ng mabuti.
Tapos na ang ensayo nang magpasya kaming magsi-uwian at magpahinga na sa kanikaniyang mga tahanan. Si Lee, bumalik sa San Juan, si Ja naman ay may dadaanan lang sandali. Ako, si Angela at si Bogs ay nagpasyang pumunta sa aking bahay. Dito na daw kasi magpapasundo si Bogs kay Demo - ang kanyang mabuting kaibigan na laging nandyan lalo na sa mga oras ng pangangailangan. Hindi kasi alam ni Demo ang studio na aming pinuntahan kaya't nagpasya si Bogs na dito na lamang dahil maka ilang beses na din nakapunta dito si Demo.
Naghintay kami ng mga ilang minuto at dumating din si Demo kasama si Carmela, na gaya KO at ni Demo, isa din sa mga butihing nilalang sa buhay ni Bogs. Agad niyang tinawagan si Bogs na lumabas na sa bahay. Ayos na sana, makakapagpahinga na sana si Bogs dahil pagod din sya sa trabaho at dagdag pa ang pagod ng pag eensayo namin.
Paglabas namin ng pinto ay nakadama ako ng kaunting pagtataka. "May problema yata" ang sabi ko sa sarili. At ayon na nga, ayaw daw umandar ng kotse ni Demo na tinatawag nila sa pangalang "Edward". (sana tama ang aking pagkaka alala) Mukhang naubusan yata ng baterya si Edward, Yan ang unang diagnosis. Nagmistulang kandilang unti unting nauupos si Bogs dahil siya ay pagod na nga. Walang ibang paraan kundi tumawag ng mekaniko para magkumpuni kay Edward. Hindi namin sya pwedeng i-jumpstart o mas pamilyar sa tagalog na "kadyot" para mapaandar dahil Automatic ang transmisyon ng sasakyan. Nagpasya si Demo na tumawag sa mekaniko kahit mag aalas dose na ng gabi. Nagkausap naman sila ngunit hindi na mapupuntahan dahil malayo pa ang panggagalingan.
Ang payo ng mekaniko:
Tumawag ng taxi at hiramin ang baterya hanggang makauwi sila sa Pasig at doon na lang ulit magpalit muli.
Samakatuwid, ginawa naman namin iyon. Buti na lang pumayag ang taxi driver sa ganoong kundisyon at pabor.
Hindi pa dyan nagtatapos lahat. Kalahati pa lang yan...
Sinimulan ni Demo na hanapin ang kanyang mga kagamitan o tools para masimulan na ang pagpapalit ng baterya. Sa kasamaang palad, mukhang hindi nya ito nadala. Wala din namang baon na kagamitan ang taxi driver. Unusual yata yon para sa isang taxi na maghapon sa kalsada na walang dalang tools. Bumalik ako sa aking kwarto, wala naman akong gamit dahil wala naman akong sasakyan dito. Ang meron lang ako ay isang long nose pliers. Sinubukan namin ngunit sadyang mahigpit at mahirap matanggal ang mga bolts and nuts na nakakabit.
Gamit ang taxi na inabala namin, nagdesisyon na lang na kunin muna ang tools sa bahay ni Angela. Hindi naman malayo iyon at siguradong meron doon dahil ang kanyang ama ay may isang malaking baul o chest ng mga kagamitan. Si Carmela ang kasama ni Angela sa pagkuha ng mga gamit sa kanila.
Pagdating na pagdating nila ay sinimulan na ang pagbaklas. Agad kong napansin sa mukha ni Bogs na nagkakaroon ng pag asa. Sinubukan namin tanggalin ang mga turnilyo at mga kable ngunit sadyang napakahigpit ng mga ito. Sa inip, nagyaya si Bogs na bumili ng maiinom sa nalalapit na tindahan. (buti bukas pa kahit madaling araw).
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nabilog na ang nut na kumakapit sa mga kable. Wala na talagang pag asa na nakikita. Unti unting nanghina ang mga tuhod ni Bogs at umupo na lang sa passenger side ng sasakyan. Kailangan na din umalis ni Carmela kaya't sya na lang ang sumakay sa taxi na aming naabala. Naiwan ako, si Bogs, Angela at Demo na nag iisip.
Wala nang ibang paraan kundi i-tow ang sasakyan pauwi. Agad akong umupo sa kompyuter at naghanap ng 24 hour towing service. Da
hil sa naunang mga pagtawag, minabuti na muna ni Demo na bumuli ng prepaid credits para sa kanyang cellphone. Tumawag siya agad matapos na matanggap ang load. Dito na lalong inantok si Bogs at tila hinang hina na. Medyo mainit din at nakaka awa siyang pagmasdan. Hindi na nga nya namalayan na kinuhanan ko sya ng litrato habang natutulog sa loob ng sasakyan. Pawisan at walang galaw. Tahimik at walang imik. Ilang sandali pa ay dumating na ang tow truck na maghahatid sa kanila sa Pasig. Agad nilang inayos ang rampa at mga bagay na gagamitin upang makasiguradong ligtas at maayos na mabubuhat pauwi si Edward. Mabilis lang silang dumating kahit na sa Pasig din sila nagmula. Mabilis din nilang naiayos ang mga gamit at agad nang itinaas ang kotse sa rampa. Umakyat na si Bogs at Demo pagkatapos magpaalam sa amin ni Angela.
Mga pagod at nag aalalang mukha ang nagpaalam sa amin. Hanggang dito lang kasi ang alam ko sa pangyayari. Pagdating nila sa Pasig ay hindi pa nila alam kung kasya ang trak sa maliit na eskininta patungo sa garahe nila. Pwede siguro sa kalsada pero masikip din. Pwede din sa malaking kalsada siguro? Ang problema lang, medyo magastos ito. Tow na kagabi, tow ulit ngayon papunta sa Rapide, ang talyer kung saan ito kukumpunihin. Mukhang malaki-laking gastos ito. Siguro naman naging maayos din ang lahat. Lahat naman ng bagay nagagawan ng paraan.
Kung ano man ang nangyari, babalitaan ko kayo. 'Di kaya, hintayin nyo lang ang comment ni Bogs sa blog na ito. Malamang, siya na ang magkwento ng katuloy. (kung nakaya pa nya ang antok at naaalala pa nya ang mga nangyari)
Haba na nito, hanggang dito na lang muna.
-Rommel
Tapos na ang ensayo nang magpasya kaming magsi-uwian at magpahinga na sa kanikaniyang mga tahanan. Si Lee, bumalik sa San Juan, si Ja naman ay may dadaanan lang sandali. Ako, si Angela at si Bogs ay nagpasyang pumunta sa aking bahay. Dito na daw kasi magpapasundo si Bogs kay Demo - ang kanyang mabuting kaibigan na laging nandyan lalo na sa mga oras ng pangangailangan. Hindi kasi alam ni Demo ang studio na aming pinuntahan kaya't nagpasya si Bogs na dito na lamang dahil maka ilang beses na din nakapunta dito si Demo.
Naghintay kami ng mga ilang minuto at dumating din si Demo kasama si Carmela, na gaya KO at ni Demo, isa din sa mga butihing nilalang sa buhay ni Bogs. Agad niyang tinawagan si Bogs na lumabas na sa bahay. Ayos na sana, makakapagpahinga na sana si Bogs dahil pagod din sya sa trabaho at dagdag pa ang pagod ng pag eensayo namin.
Paglabas namin ng pinto ay nakadama ako ng kaunting pagtataka. "May problema yata" ang sabi ko sa sarili. At ayon na nga, ayaw daw umandar ng kotse ni Demo na tinatawag nila sa pangalang "Edward". (sana tama ang aking pagkaka alala) Mukhang naubusan yata ng baterya si Edward, Yan ang unang diagnosis. Nagmistulang kandilang unti unting nauupos si Bogs dahil siya ay pagod na nga. Walang ibang paraan kundi tumawag ng mekaniko para magkumpuni kay Edward. Hindi namin sya pwedeng i-jumpstart o mas pamilyar sa tagalog na "kadyot" para mapaandar dahil Automatic ang transmisyon ng sasakyan. Nagpasya si Demo na tumawag sa mekaniko kahit mag aalas dose na ng gabi. Nagkausap naman sila ngunit hindi na mapupuntahan dahil malayo pa ang panggagalingan.
Ang payo ng mekaniko:
Tumawag ng taxi at hiramin ang baterya hanggang makauwi sila sa Pasig at doon na lang ulit magpalit muli.
Samakatuwid, ginawa naman namin iyon. Buti na lang pumayag ang taxi driver sa ganoong kundisyon at pabor.
Hindi pa dyan nagtatapos lahat. Kalahati pa lang yan...
Sinimulan ni Demo na hanapin ang kanyang mga kagamitan o tools para masimulan na ang pagpapalit ng baterya. Sa kasamaang palad, mukhang hindi nya ito nadala. Wala din namang baon na kagamitan ang taxi driver. Unusual yata yon para sa isang taxi na maghapon sa kalsada na walang dalang tools. Bumalik ako sa aking kwarto, wala naman akong gamit dahil wala naman akong sasakyan dito. Ang meron lang ako ay isang long nose pliers. Sinubukan namin ngunit sadyang mahigpit at mahirap matanggal ang mga bolts and nuts na nakakabit.
Gamit ang taxi na inabala namin, nagdesisyon na lang na kunin muna ang tools sa bahay ni Angela. Hindi naman malayo iyon at siguradong meron doon dahil ang kanyang ama ay may isang malaking baul o chest ng mga kagamitan. Si Carmela ang kasama ni Angela sa pagkuha ng mga gamit sa kanila.
Pagdating na pagdating nila ay sinimulan na ang pagbaklas. Agad kong napansin sa mukha ni Bogs na nagkakaroon ng pag asa. Sinubukan namin tanggalin ang mga turnilyo at mga kable ngunit sadyang napakahigpit ng mga ito. Sa inip, nagyaya si Bogs na bumili ng maiinom sa nalalapit na tindahan. (buti bukas pa kahit madaling araw).
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nabilog na ang nut na kumakapit sa mga kable. Wala na talagang pag asa na nakikita. Unti unting nanghina ang mga tuhod ni Bogs at umupo na lang sa passenger side ng sasakyan. Kailangan na din umalis ni Carmela kaya't sya na lang ang sumakay sa taxi na aming naabala. Naiwan ako, si Bogs, Angela at Demo na nag iisip.
Wala nang ibang paraan kundi i-tow ang sasakyan pauwi. Agad akong umupo sa kompyuter at naghanap ng 24 hour towing service. Da
hil sa naunang mga pagtawag, minabuti na muna ni Demo na bumuli ng prepaid credits para sa kanyang cellphone. Tumawag siya agad matapos na matanggap ang load. Dito na lalong inantok si Bogs at tila hinang hina na. Medyo mainit din at nakaka awa siyang pagmasdan. Hindi na nga nya namalayan na kinuhanan ko sya ng litrato habang natutulog sa loob ng sasakyan. Pawisan at walang galaw. Tahimik at walang imik. Ilang sandali pa ay dumating na ang tow truck na maghahatid sa kanila sa Pasig. Agad nilang inayos ang rampa at mga bagay na gagamitin upang makasiguradong ligtas at maayos na mabubuhat pauwi si Edward. Mabilis lang silang dumating kahit na sa Pasig din sila nagmula. Mabilis din nilang naiayos ang mga gamit at agad nang itinaas ang kotse sa rampa. Umakyat na si Bogs at Demo pagkatapos magpaalam sa amin ni Angela.Mga pagod at nag aalalang mukha ang nagpaalam sa amin. Hanggang dito lang kasi ang alam ko sa pangyayari. Pagdating nila sa Pasig ay hindi pa nila alam kung kasya ang trak sa maliit na eskininta patungo sa garahe nila. Pwede siguro sa kalsada pero masikip din. Pwede din sa malaking kalsada siguro? Ang problema lang, medyo magastos ito. Tow na kagabi, tow ulit ngayon papunta sa Rapide, ang talyer kung saan ito kukumpunihin. Mukhang malaki-laking gastos ito. Siguro naman naging maayos din ang lahat. Lahat naman ng bagay nagagawan ng paraan.
Kung ano man ang nangyari, babalitaan ko kayo. 'Di kaya, hintayin nyo lang ang comment ni Bogs sa blog na ito. Malamang, siya na ang magkwento ng katuloy. (kung nakaya pa nya ang antok at naaalala pa nya ang mga nangyari)
Haba na nito, hanggang dito na lang muna.
-Rommel
Friday, March 6, 2009
Lungkot sa magdamag! :'-(
Mismo!
Nakakatamad dahil nagising ako ng 10:00 ng gabi. Nakakainip dahil wala akong mapuntahan, wala akong makausap o maka-text. Halos lahat sila ay tulog, yung iba naman pang gabi sa call center. Maka-chat mo man, mas nakakainip dahil napakatagal sumagot.
Ginagawan ko ng paraan ang mga ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng paghalukay sa internet. Alas tres na ng madaling araw habang sinusulat ko ito, halos lahat ng alam kong website na interesado ako ay napuntahan ko na. Bumalik na lang ako sa aming munting YouTube page. Pinanood ko ang mga kalokohan namin na naka upload doon. Tinigil ko din paglipas ng ilang oras. Samakatuwid, nainip na ulit ako.
Sinubukan ko naman ayusin at linisin ang aking dalawang computer dito sa kwarto. Nagbura ako ng mga files na hindi naman kailangan at tinanggalan ko ng alikabok ang likod. Sigurado akong marami sa inyo na minsan lang maglinis ng computer, tama ba? Kapag nainip kayo gawin n'yo din to!
Matapos kong mapagod at maglinis, sinubukan ko namang ayusin ang aming video streaming channel. Dito kami mapapanood habang nag-eensayo. Wala naman sila dito kaya yung mga lumang videos na lang ang ipinalabas ko sa channel. Dito namin ginagawa ang mga "online gigs" na hinihiling ng mga kaibigan na nasa ibang lupalop ng mundo. Kapag nainip kayo, puntahan nyo naman, malay nyo nag eensayo kami sa oras na yon! http://www.ustream.tv/channel/capo-musika-live ang link na tinutukoy ko.
Pagkatapos kong magblog, wala pa ako naiisip na mapapaglibangan. Bahala na.
Eto, tapos na ko, ano pa kaya?

Thursday, March 5, 2009
Becoming A Connoisseur ni Bogs Castro
Bago ang lahat, tinatamad pa akong ayusing ang blog na ito. Wala munang HTML at scripts ha. Ako na nga ang nag aayos at nagdedesign ng halos lahat ng mga pages ng banda namin eh. Pahinga ako dito, sabi ko nga, parang kwentuhan lang. Ang mahala naman ay ang nilalaman hindi ba?
Nasabi ko na rin naman ang banda ko, lulubos lubusin ko na. CAPO ang pangalan ng banda ko. Ako ang tambolista, si Lee at Ja ang mga gitarista at si Momar sa baho. Ang bokaslita naman ay si BOGS -ang ating paksa sa unang blog ko.
Ang kanyang blog ay umiikot sa pagiging isang barista ng kape. Bukod pa doon, ipinapahayag nya ang kanyang pagmamahal sa kape hindi lang bilang isang empleyado ng Starbucks kundi bilang isang ordinaryong tao. Matagal tagal ko na din siyang nakakasama kaya't kilala ko na siya. Talaga namang mahilig sa kape ang taong ito! Bukod sa musika, siguro kape na ang kasunod nyang interes sa buhay. Kung nagkaalbum na kami siguro noon, siguradong "Kape Muna" ang titulo ng album.
Ang blog nya ay tumatalakay sa mga bagay bagay tungkol sa kape. Nandyan na lahat mula sa mga gamit nya, mga fundamentals at ang aking paborito - Ang tamang pamamaraan ng pag inom ng kape.
Sabi nya mayroong 4 S's (esses)
1. Siff - Ang pagsinghot. Literal
2. Slurp - Ang pagpasok ng kape sa bibig. Huwag munang lulunok!
3. Swish - Pagmumumog ng kape? Hmmm. Sabi nya ang bitter spots ng dila ay sa parteng likod, ayos yan. Sabi naman nya ang sweet spots daw ay sa gitna ng dila. Ang pagkakaalam ko naman ay sa parteng unahan o "tip" ng dila ang sweet spots ng mga taste buds.
4. Swallow - Ang paglunok ng kape. Dahan dahan dahil mainit!
Ang pagkakaalam ko dati ay dalawa lang. Ang 2 L's
Laklak at Lunok
Kailanagan ko pa bang ipaliwanag yan? Oh wag kang tumawa, alam kong ganyan ka rin!
Halos lahat naman yata sa atin ay hindi pa alam ang klase ng paginom ng kape na tinuro si Bogs.
Kaya't saludo ako sa blog nya! Ang paglalantad ng mga ganyang bagay ay nakakatulong sa mga taong tulad ko na hindi alam ang mga bagay bagay tungkol sa paksa na iyon.
Thumbs up para kay Bogs!
Kung gusto nyo syang makita, maari n'yo siyang puntahan sa kanyang Starbucks branch.
Pumunta lang sa Starbucks Home Depot Ortigas at magpatimpla ng kape ka Bogs. Subukan n'yong pagkumparahin ang mga nasabi kong pamamaraan. Kapag nandoon si Bogs, itanong nyo kung pano ang tamang gawin.
Maaari nyo din mabasa ang blog ni Bogs na tinutukoy ko sa http://bogsybill.blogspot.com/
-Yum

Tagalog blog!
Dami kong nakikitang nagbo-blog! Naisip kong subukan. Kaya eto na! Halos lahat ng makikita nyo dito ay TAGALOG at Tagalog-mixed-with-English blogs. Teka ano ba sa tagalog ang "Blog"? Ah ewan. "Blag"? Hayaan na natin yan. Gagawa din naman ako ng English blog after a while, pero sa ngayon eto muna. Kahit na TAGALOG blog ito, wag kayong mag expect na puro malalalim na tagalog ang gagamitin ko. Parang nagkukwentuhan lang tayo dito, ok?
Ang gusto ko lang gawin ay magbasa ng blog ng iba, mas maganda kasi na mabasa mo ang gawa ng isang tao para may matutunan ka din at malaman na mga bago. Isa na rin ay para makilala mo ang taong nagbo-blog, mas kilala sa tawag na "blogger".
Sa ngayo ito lang ang naiisip kong libangan para naman masabi ko din ang mga opinyon ko sa mga bagay bagay sa paligid. Ang sabi ko nga sa titulo ng blog ko: "Blog tungkol sa blog ng iba". Ang ibig sabihin, ibo-blog ko yung mga makikita kong blog. Kung anong makita ko dun, maganda, pangit, mabaho, mabango, babae, bakla, tomboy, bata, matanda at kung ano ano pang makaka kiliti sa aking interes.
Umpisahan na natin...

Subscribe to:
Posts (Atom)